Emosyon

Hindi naman ako naghahangad na maging masaya... Sapat na sa akin ang hindi ako maging malungkot sa aking pag-iisa...



Kinulayan Mo ang Mundo Ko

October 7, 2009

Ang mundo ko ay napakakomplikado

 Ngunit sa isang iglap ito’y nagbago

Nabatid ko ang kahulugan ng mundo

Ang lahat ng ito ay dahil sa iyo

 

Kinulayan mo ng asul ang langit

Kulay luntian naman ang paligid

Naging masaya kahit mundo’y malupit

Naibsan ang nararamdaman kong sakit

 

Ang madilim kong mundo ay lumiwanag

Tinuruan mo akong hindi maging duwag

Inalis ang sa aki’y  bumabagabag

Paumanhin kung minsan ika’y nilabag

 

D alisay na simoy ng hangin ang tinig mo

Na nagpapagaan ng pakiramdam ko

Pag may problema ako, ika’y  nagpapayo

Salamat, kinulayan mo ang mundo ko

 

 

 

Posted by emosyon at 9:26 am | permalink

All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.

Add a comment








emosyon

Ang mga tula at mga sanaysay na mababasa dito ay ginawa ni Melody Pabz. 

larawan

Wattpad

awit

komento