Emosyon

Hindi naman ako naghahangad na maging masaya... Sapat na sa akin ang hindi ako maging malungkot sa aking pag-iisa...



Bakit ikaw pa?

December 10, 2009

     Ang pangalan mo ang nakasulat sa papel na nabunot ko. Sa dinami-rami ng pangalan na pwede kong mabunot, bakit ikaw pa? Pinaglalaruan na naman ba ako ng kapalaran? Hindi ko alam kung anong ibibigay ko sa iyo. Hindi ko alam kung maiibigan mo ang regalong matatanggap mo. Pero isa lang ang sigurado ko, nais kong ibigay ang pinakamagandang regalo para sa iyo.

     Nakapagtataka… bakit ikaw pa? Pinilit kong umiwas sa iyo. Pinilit kong kalimutan ang pangalan mo pero  bakit ikaw…bakit ang pangalan mo pa? Narinig ko na naman ang tinig mo kahapon. Hindi sinasadyang makita kita. Talaga yatang may papel ka pa ring ginagampanan sa buhay ko…

Posted by emosyon at 6:57 am | permalink

All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.

Add a comment








emosyon

Ang mga tula at mga sanaysay na mababasa dito ay ginawa ni Melody Pabz. 

larawan

Wattpad

awit

komento