Emosyon

Hindi naman ako naghahangad na maging masaya... Sapat na sa akin ang hindi ako maging malungkot sa aking pag-iisa...



Lihim ng Puso

December 16, 2009

     Paano ko sasabihin sa iyo ang mapait na katotohanan? Alam ko na masasaktan ka sa bawat salitang maririnig mo. Hindi ko ito gusto. Hindi ko intensyong saktan ka. Sinisisi ko ang sarili ko dahil hindi ko sinabi sa iyo kaagad. Nararamdaman ko ang hapdi na idinudulot ko. Nasasaktan ako dahil sa kamaliang ginagawa ko. Umaasa ka… naghihintay subalit alam ko na maglalaho ang lahat ng pinagsamahan natin at mapopoot ka sa akin.

     Patawad… natatangay ako sa agos ng mga pangyayari. Patawarin mo ako,  naglihim ako sa iyo. Hindi ko alam kung paano ko ito sasabihin sa iyo. Ni hindi ko alam kung ano ang unang salitang lalabas sa bibig ko. Kung sisiyasatin mo lamang ang puso ko sa sandaling ito, malalaman mo na nasasaktan ako nang higit pa sa sakit na mararamdaman mo.

Posted by emosyon at 5:25 pm | permalink

All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.

Add a comment








emosyon

Ang mga tula at mga sanaysay na mababasa dito ay ginawa ni Melody Pabz. 

larawan

Wattpad

awit

komento