Emosyon

Hindi naman ako naghahangad na maging masaya... Sapat na sa akin ang hindi ako maging malungkot sa aking pag-iisa...



Malungkot datapwat matamis na alaala…

December 21, 2009

     Hindi ko alam kung ngingiti ako o iiyak. Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko habang pinagmamasdan ko sila. Isang taon na rin ang lumipas buhat nang magdiwang ang aming iglesya ng unang anibersaryo. At ngayon, nasa ikalawang taon na kami ngunit hindi na tulad ng dati. Noon, isa lang ako sa mga dumalo sa kanilang pagdiriwang. Lumipas ang maikling panahon at nakita ko ang sarili kong nagpupuri sa Diyos kasama sila. 

      Gusto kong umiyak pero hindi maaari.Kailangang tanggapin ko ang mapait na katotohanang magkakaiba na ang mundong ginagalawan namin. Hindi ko alam kung bakit kailangan nilang lumisan. Hindi ko matarok kung bakit sila nagpaalam. Pero kahit ano pa ang dahilan, alam ko na darating ulit ang panahon na magkakasama-sama kami nang matagal… sa pook na kung tawagi’y  ikatlong langit.

       Sa sandaling panahon, nagkasama-sama ulit kami. Tila kahapon lang… Alam ko na hindi na maibabalik ang mga nagdaan. Alaala na lamang ang mga bagay na lumipas…

Posted by emosyon at 6:04 pm | permalink

Previous Comments

hmmm, nagustuhan ko ang yong mga sinusulat…back-read ako nxt year.. pagbalik ko ulit sa blogasperyo.

Posted by aninipot at December 22, 2009, 1:28 pm

All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.

Add a comment








emosyon

Ang mga tula at mga sanaysay na mababasa dito ay ginawa ni Melody Pabz. 

larawan

Wattpad

awit

komento