Emosyon

Hindi naman ako naghahangad na maging masaya... Sapat na sa akin ang hindi ako maging malungkot sa aking pag-iisa...



Ano ba ang papel mo sa buhay ko?

December 28, 2009

     Hindi ko ito gusto. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Bakit ako umiiyak? Bakit kita hinahanap-hanap? Bakit ako nangungulila sa iyo? Bakit nais kong marinig ang tinig mo? Bakit nais kong masilayan ang iyong mukha? Mahal na ba kita?

    Alam ko, hindi kita mahal… na wala akong nararamdaman para sa iyo. Pero… pero bakit ganito? Ano ba ang papel mo sa buhay ko?

Posted by emosyon at 8:48 pm | permalink

All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.

Add a comment








emosyon

Ang mga tula at mga sanaysay na mababasa dito ay ginawa ni Melody Pabz. 

larawan

Wattpad

awit

komento