Emosyon

Hindi naman ako naghahangad na maging masaya... Sapat na sa akin ang hindi ako maging malungkot sa aking pag-iisa...



Bagong taon… Bagong hamon…

January 2, 2010

     Noong paslit pa lamang ako, tinutulugan ko lang ang pagsapit ng bagong taon pero nitong mga nagdaang taon, buong kasabikan ko itong sinasalubong. Noong paslit pa lamang ako, hinaharap ko ang bawat araw ng may kalakasan subalit ngayon, may takot at agam-agam…

     Panibagong taon na naman ang haharapin ko. Panibagong pagsubok. Minsan, naitanong ko sa sarili ko kung bakit ako nandito sa mundong ito? Nandito ba ako upang subukin buong buhay ko? Sinabi ng matalik kong kaibigan na magbibigay siya ng isangdaang dahilan. Ang dahilan - may gagawin ka pa.

     Isa akong anak, kapatid, kaibigan, pinsan, pamangkin, apo, kinakapatid, kamag-aral, kapitbahay, kaeskwela at kakilala. Marami akong pangarap. Marami pa akong dapat pasalamatan at hingian ng patawad. May responsibilidad ako sa bawat katauhang pinanghahawakan ko. Kailangan ko ng lakas ng loob upang magampanan ang mga obligasyong iyon. Higit sa lahat, kailangang tumibay pa ang aking pananampalataya. Alam ko na SIYA lang ang pag-asa ko. Minsan, nakararamdam ako ng kahinaan ngunit tuwing dumarating ang panahong iyon, binibigyan NIYA ako ng lakas. Alam ko na tapat Siya sa mga pangako Niya. Alam ko na hindi Niya ako iiwan ni pababayaan man. Alam ko na mapagtatagumpayan ko ang mga hamon dahil sa Kanya…

Posted by emosyon at 11:28 am | permalink

Previous Comments

hmmm, pananampalataya lang minsan ang syang huli nating panghahawakan makaraos man lang sa agos ng buhay sa mundong ito…

ngunit mas maganda na habang nagtitwala kasa kanya bubuoin mo rin ang tiwala sa yong sarili…nice meeting you melody.

madalas di ako nag-iiwan ng bakas, pero masaya ako at may taong nagpapahalaga kahit sa munting komento.

Posted by aninipot at January 14, 2010, 2:03 pm

All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.

Add a comment








emosyon

Ang mga tula at mga sanaysay na mababasa dito ay ginawa ni Melody Pabz. 

larawan

Wattpad

awit

komento