Emosyon

Hindi naman ako naghahangad na maging masaya... Sapat na sa akin ang hindi ako maging malungkot sa aking pag-iisa...



May hangganan ang aking pag-iisa..

January 2, 2010

     Ginising ako ng katahimikan… Pagkamulat ng aking mga mata, nasilayan ko ang liwanag na dala ng bagong umaga. May lakas nga ba akong taglay para harapin ang panibagong araw? Natatagpuan ko ang saya sa aking pag-iisa. Nakakamtan ko ang kapayapaan sa panahong wala akong kasama ngunit batid ko na may hangganan ang aking pag-iisa…

     Kahapon, mag-isa akong naglakad patungo sa direksyong hindi ko alam. Hindi ko rin alam ang dahilan ng pagpatak ng aking luha. Napadaan ako sa lugar na napakaraming tao. Wala ni isa man ang nakapansin sa pagpatak ng luha mula sa aking mata o kung mayroon man, hindi siya mag-uukol ng panahon upang alamin ang dahilan ng kalungkutang umaalipin sa akin. Tulad din ng eksenang iyon ang buhay ko, napakaraming tao sa aking mundo subalit wala sila kahit katiting na panahon upang siyasatin ang dahilan ng kalumbayang tinatamasa ko.

    

Posted by emosyon at 10:37 am | permalink

Previous Comments

Sinubukan mo ba silang kausapin para malaman nila kung ano na ang kalagayan mo?

Huwag mong hayaang maiwan ka sa bundok na hindi mo alam kung paano ka makababa dahil hindi mo namalayang nakaakyat ka na pala.

Posted by J.Kulisap at January 15, 2010, 5:37 pm

All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.

Add a comment








emosyon

Ang mga tula at mga sanaysay na mababasa dito ay ginawa ni Melody Pabz. 

larawan

Wattpad

awit

komento