Emosyon

Hindi naman ako naghahangad na maging masaya... Sapat na sa akin ang hindi ako maging malungkot sa aking pag-iisa...



Patawad

January 6, 2010

     Patawad. Alam kong nasaktan kita. Batid ko na ako ang may likha ng hapding nararamdaman mo.  Hindi ko intensyong saktan ka. Ang nais ko lang ay malaman mo ang katotohanan. Pinipilit mo mang itago ang sakit sa pamamagitan ng ngiti at tawa, hindi mo maikakaila na nasasaktan ka sapagkat nababasa ko ang iyong mga mata.

     Kasalanan ko ito, kung sinabi ko na sana sa iyo noon pa man, hindi ka na masasaktan nang ganito. Patawad, wala akong magawa upang maibsan ang kirot na nararamdaman mo…

Posted by emosyon at 7:17 am | permalink

Previous Comments

Minsa’y nauudlot ang dila para isatinig ang nais sabihin.

Minsa’y natatakot tumibok ang puso dahil ayaw kumitil na natitirang pag-asa.

Kasalanan mo dahil hindi mo sinabi. Duwag ka. Duwag.

Emosyon.

P.S.
Ikaw dapat ay nasa bahay kubo ko. Pilipinong wika itong gamit mo. Ako ay labis na nagalak.

Magbabalik si J.Kulisap.

Posted by J.Kulisap at January 15, 2010, 5:23 pm

All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.

Add a comment








emosyon

Ang mga tula at mga sanaysay na mababasa dito ay ginawa ni Melody Pabz. 

larawan

Wattpad

awit

komento