Home » Post Item » Magkaibang Mundo
Magkaibang Mundo
January 12, 2010D nq mkKsaBay sau, ksalukuyan aqng nsa kbilang ibAyo ng mundoNg dti ntng gnglwan, pxenxa n, d n kta kayang smahan jan, ;(
Magkaiba na ang mundong aming ginagalawan ngayon. Isa siyang bahagi ng aking nakaraan na pinipilit kong isama sa kasalukuyan. Hindi ko maikakaila na siya ang naging inspirasyon ko upang mangarap at magkaroon ng ambisyon. Ibang iba na siya ngayon. Hinangaan ko siya dahil sa angkin niyang talino at husay subalit hindi na siya ang dating kaibigang nakilala ko. Sa pag-usad ng panahon, maraming nagbabago. Nagbago siya at nagbago rin ang pananaw ko sa buhay.
Noon, masaya ako sa mga panahong kasama ko siya.Subalit ngayon, hindi na ako nakararamdam ng tuwa o kahit katiting na saya man lang. Namumuhay kami ngayon sa magkaibang mundo…
Nasa ikalawang baitang ako ng haiskul nang makilala ko siya. Tadhana ang may kagagawan kung bakit siya nasama sa kwento ng buhay ko. Hindi ko akailaing may makikilala akong katulad niya sa paglipat ng paaralan. Hinangad kong maging kamag-aral siya at hindi ako nabigo. Sa isang taon sa paaralang ginalawan namin, maraming naganap. Madalas ko siyang makasabay pag papasok ako sa paaralan sa kadahilanang magkalapit lang ang kanilang tahanan sa aming bahay.Pangarap ko noon na makasabay siya pag-uwi. Natupad naman ang hibang kong pangarap subalit sa ilang pagkakataon nga lang. Sa apat na sulok na minsan din naming ginalawan, naganap ang mga hindi malilimutang pangyayari. Kakompetensya ko siya sa pag-uulat. Inangkin niya ang titulong “Hari ng Makata”. Naramdaman ko ang sakit na naramdaman niya nang tumangis siya sa loob ng silid-aralan. Saksi ako sa pagpatak ng kanyang luha. Noon ko lang siya nakitang umiyak. Nakita ko ang hirap na ikinukubli niya . Itinago niya ang hapdi subalit hindi niya napigilan ang pagpatak ng bagay na iyon mula sa kanyang mga mata. Kasama ko siya sa isang palahok na labis na pinaghandaan ng paarala. Lubos rin ang ginawa naming paghahanda.Sumapit ang araw ng patimpalak at natuldukanna rin ang kabang nanatili sa amin sa loob ng maraming buwan. Pagod ang lahat matapos ang pangyayaring iyon. Nakatulog ako dahil sa sobrang pagod. Nahimbing ako na nakasandal sa balikat niya. Tila pelikula…
Katiting lamang iyon sa mga naganap sa mundo namin noon. Napakahabang istorya kung isasalaysay ko pa. May katanungang gumugulo sa isip ko - tapos na ba ang kwento naming dalawa?
Hindi ko alam kung anong sagot sa katanungan ko. Basta, isang bagay lang ang alam ko… iyon ay ang katotohanang gumagalaw kami ngayon sa magkaibang mundo.
Previous Comments
Oi bagay na bagay yan sa kantang isinulat ko.. WAITING SHED. Pls. watch this on youtube or view it thru my FS and FB. jirehfaa@yahoo.com pakisearch na lang. tnx eto po link nung vid: http://www.youtube.com/watch?v=hLru2h-pN_Q
Posted by jhe-el at February 11, 2010, 9:04 pmAll comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.



ako rin may mga katungan na katulad ng sa iyo…may mga pangyayaring wala pang tuldok, na minsan gugustuhin natin dagdagan, yon nga lang tadhana lang ang nakakaalam.
Posted by aninipot at January 18, 2010, 10:04 am