Home » Post Item » Ano ang sukatan ng tagumpay?
Ano ang sukatan ng tagumpay?
January 29, 2010Sa ikalawang pagkakataon, nalaman ko na hindi numero ang sukatan ng tagumpay.
Tuwing Marso, umaakyat ako sa entablado. Tuwing Marso, nagkakamit ako ng medalya at sertipiko. Sinusukat ko ang tagumpay sa pamamagitan ng mga markang natamo ko. Noong nagdaang sem, pinangarap kong maging DL. Nag-aral akong mabuti subalit hindi nagbunga ang mga paghihirap ko. Walang gabi na hindi ako umiiyak dahil sa kabiguang naranasan ko. Labis akong naaawa sa sarili ko.Mas nasasaktan ako sa mga tanong na naririnig ko dahil akala nila, mataas ang mga grado ko. Sa isa kong asignatura, ipinamukha ng aming propesor na ako lang ang may karapatang pumasa sa kanya subalit hindi nagtugma ang sinabi niya sa ibinigay niyang marka.Isang malaking kasinungalingan…
Lumahok ako sa patimpalak. Hindi ako nanalo. Alam ko na sa isang paligsahan ay may nananalo at may natatalo. Kailangang may mabigo upang may magwagi. Ayos lang…kahit masakit. Naghangad din naman ako na manalo pero ayos lang. Lumahok lang naman ako dahil sa karagdagang marka pero hindi ko maikakaila na naghangad akong manalo.
Sa isang patimpalak kung saan may mga hurado, hindi mo masasabing panalo talaga ang mga ipinahayag nilang pangalan. Iba-iba ang panlasa ng bawat indibidwal. iba’t iba ang tingin ng mga tao sa isang bagay. Basta ang alam ko, nagawa ko ang hangganan ng kapasidad ko. Hindi rin marka o grado ang sukatan ng katalinuhan. Sapat na sa akin na alam ng madla na mahusay ka. Matatawag ko na bang matagumpay ang sarili ko? Marahil. Marahil dahil nagwagi ako sa mapaniil na mundong ito sa mata ng maraming tao.
Previous Comments
All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.



Laging mataas ang grades ko. Pero masaya ba ako? Hindi ko feel na matalino ako…
Acads ko, ok na ok. Pero personal and social life ko, bagsak, napabayaan ko….
Madalas akong umiiyak noong nag-aaral pa ako (sa wakas, nakagradweyt na rin). Wala akong karapatang bumagsak. Ang tindi ng pressure. Grades ang sukatan ng pagkatao ko. Makakuha lang ako ng mababang grade, parang wala nang worth ang existence ko sa aking pamilya.
Pero napagtanto ko, hindi mula sa mga libro, kundi mula sa mga obserbasyon ko at karanasan hinggil sa kalikasan ng tao - wala ‘yan sa grades, nasa pagkatao ‘yan, nasa karakter at kakayahan ng tao (hehe, depensa ng mga nakakakuha ng mababang grado. Hindi, true ‘yan. Pramis. Wala talaga ‘yan sa grades.)
Posted by xdalisayx at May 21, 2010, 7:33 am