Home » Post Item » May linya ba siya sa script ng buhay ko?
May linya ba siya sa script ng buhay ko?
February 15, 2010Noong isang buwan ko lang siya nakilala. Nakita niya ang kahinaan ko sa unang beses na nakasama ko siya. Hindi ko intensyong maging mahina at lumuha sa harapan niya. Hindi ko napigilan ang emosyon ko. Hindi ako lasing. Alam ko ang mga nagaganap sa paligid ko. Hindi ko lang talaga makontrol ang emosyon ko dahil inaalipin ako ng kalungkutan na patuloy na nagkukubli sa katauhan ko. Pinatahan niya ako. Pinilit niyang pigilin ang pag-agos ng luha ko…
Isang araw, tinawag niya ako. Ngiti lang ang naitugon ko. Nagkaroon ng Student’s Night sa aming unibersidad. Nakasalubong ko siya at tinawag niya ang pangalan ko kahit na may kasama pa siya. Muli, ngiti lang ang sagot ko. Kanina, nakasalubong ko siya subalit blangkong mukha ang nakita ko. Paakyat ako ng hagdan at pababa naman siya kasama ang mga kaibigan niya.
Nag-aaral kami sa isang pamantasan. Marahil bukas o sa isang araw ay makita ko siya. Hindi ko alam kung anong mga susunod na tagpo. Hindi ko rin alam kung may linya ba siya sa script ng buhay ko…
All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.


