Home » Post Item » Paano ba ang umiwas?
Paano ba ang umiwas?
May 23, 2010“Bakit ba ginagawa mong komplikado ang lahat? Just go with the flow. Sabihin mo sakin ng diretso, bakit ganyan mga sinasabi mo? Alam mo pakiramdam ko, tinataboy mo ko…”
May mga pagkakataong mas mabuting umiwas upang hindi maganap ang mga bagay na maaaring magdulot ng hindi masukat nakalungkutan. Minsan, mas mainam nang lumayo sa isang taong nagiging malapit sayo. Ngunit paano kung patuloyniyang pinagsisiksikan ang sarili niya sa magulo mong mundo? Iiwas ka pa rin ba o hahayaan mo na lang siyang manggulo sa mundo mo?
“Wag ka kasing ganyan. Wag mong diktahan ang pwedeng mangyari. Bakit hindi mo pa kasi sakin sabihin…iyong diretso. Bakit sa huli, ikaw din iyong mang-iiwan? Iyon ba gusto mong sabihin?”
Ni minsan, hindi ako nang-iwan. Sa hindi mabilang na pangyayari sa buhay ko, iniwan ako ng mga taong malapit sa akin at minahal ko nang buong puso. Nagawa nilang wasakin ang puso kong walang ibangginawa kundi ibigin sila…
Paano nga ba umiwas sa isang taong nais maging bahagi ng buhay mo?
Previous Comments
All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.



yah…minsan gusto mo syang iwasan pero di mo kaya.lalo na kung may nag aari na rin syo. Alam mong mali pero bat ganun hina hanap hanap mo rin siya..ang hirap mag mahal pag pareho kayong may pananagutan na.
Posted by angel at April 7, 2011, 2:09 pm