Emosyon

Hindi naman ako naghahangad na maging masaya... Sapat na sa akin ang hindi ako maging malungkot sa aking pag-iisa...



Karapat-dapat ba siyang mahalin?

September 3, 2010

“Mahal mo pa rin ba siya?”

Oo. Mahal ko pa rin siya. Hindi siya nawawala sa isip ko. Siya ang nasa isip ko sa bawat pagpintig ng puso ko.

“Wag ka ngang magpakatanga dyan! Umaasa ka pa!”

Umaasa ako na magbabalik ang dati. Nangangarap ako na mauulit ang nakaraan at muli akong sasaya. 

“Merong mas deserving na ibang tao sa pagmamahal mo”

Hindi ako naghahangad na susuklian niya ang pagmamahal na inalay ko. Hindi ko kailangan ng pagmamahal ng ibang taong wala namang puwang sa puso ko.

Why can’t you accept the fact na kung minahal ka niya eh di sana nag-eefort siya Ipagtanggol mo man siya ng paulit-ulit ay wala namang magbabago. Pero kung mahal ka niya siguro balang araw di ba?”

Minahal niya ba ko? O pinaglaruan niya lang ang damdamin ko? Nakatadhana bang maging ganito? Ang mahalin ko siya at masaktan ako?

“Kaya hindi ka niya siguro minahal ay simple lang…wala siyang naramdaman na pagmamahal sayo…Masakit pero iyon ‘yun”

Hindi ko alam kung ni minsan ay nasa isip niya ko. Marahil, laro lang ang mga naganap. Napakasakit.

“Gusto kong itatak mo sa puso at isipan mo na yung taong mahal mo ay hindi ka mahal at dahil dun hindi mo rin dapat siyang mahalin.”

Hindi ko ba dapat mahalin ang isang taong hindi ako mahal? Paano ko magagawang hindi mahalin ang isang taong nasa isip ko? Hayaaan mo lang akong mahalin siya…

 

Posted by emosyon at 3:17 pm | permalink

Previous Comments

Tanong ko lang…
Wala ba akong karapatang mahalin ang isang taong nag pasaya at nag paramdam sakin na kahit sa isang parte nang buhay ko pinadama niya skin na mahalaga ako sa mundong ito?… ano ba sa tingin mo?..

:)

Posted by Daryll Corpin at November 15, 2010, 3:00 pm

may karapatan kang mahalin siya…

Posted by emosyon at November 15, 2010, 10:24 pm

meron.. pero dahil sa hindi ka nya mahal at sa hindi mo sya pag aari, ay sa malayo mo lang sya pwedeng mahalin. masakit oo pero yun ang totoo.. patuloy mo syang itatangi sa puso mo sa paraang “ikaw lang ang nagmamahal at nasasaktan” .. at pag nangayari yun (pag patuloy ka nyang binaliwala) masasanay ka at balang araw darating ang panahon na magsasawa ka.. alam mo i’ve thru this i don’t know kung parehas talaga tau ng sitwasyon but the way i see things theres no doubt na naramdaman ko din ang mga nararamdaman mo ngaun. you know what i asked the same questions to myself before like.. what’s wrong with me , why can’t he love me.. etc. but i realized that i can’t make him see the things that im seeing maybe we see things differently. he see things the other way around.. alam mo walang masama kung papayagan mo ang puso mo na patuloy syang mahalin kasi minsan ang puso natin may sariling isip therefore alam nya kung kailan sya mapapagod alam nya kung kailan sya magsasawa at kung kailan sya mag le-let go, just wait for that right time to come.. but don’t be sad, try to use that love in a way na magiging masaya ka, let it encourage you to be a better you :)

Posted by Drexie John at June 25, 2011, 2:13 am

All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.

Add a comment








emosyon

Ang mga tula at mga sanaysay na mababasa dito ay ginawa ni Melody Pabz. 

larawan

Wattpad

awit

komento