Home » Post Item » Kung maibabalik ko lang
Kung maibabalik ko lang
October 31, 2010Nais kong bumalik sa kahapon subalit hindi ko maaaring iwan ang kasalukuyang panahon…
Nais kong muli kang mahagkan. Nais kong ibalik ang mga sandaling masaya ko sa piling mo. Nais kong muli kang bumalik sa buhay ko subalit isa ka na lamang alaala…
Alam kong hindi ka na magbabalik sa akin dahil tuluyan ka nang lumayo. Pinili mong umalis sa buhay ko sa pag-aakalang wala ka ng espasyo sa puso ko. Alam mo kung gaano kita kamahal at alam mong wala na kong mahihiling pa sa mga panahong kasama kita. Ikaw ang buhay ko. Nang maghiwalay tayo, huminto ang pagtibok ng puso ko. Hindi ko alam kung paano haharapin ang panibagong umaga nang wala ka.
Binigyan niya ng buhay ang puso kong namatay dahil sa pagkawala mo. Ipinadama niya ang pagmamahal na minsan kong naramdaman mula sayo. Muli akong ngumiti dahil sa kanya…
At ngayong nagbabalik ka sa buhay ko, litung lito ang isip ko. Minahal ko kayo sa magkaibang panahon.Kung bibigyan lang ako ng pagkakataong makabalik sa nakaraan, pakikinggan ko ang tunay na tinitibok ng puso ko upang mapagdesisyunan ang tamang bagay sa tamang panahon.
Previous Comments
kung ako lang dun na ako sa mahal ko talaga kesa nasa relasyon akong di ko alam kung may patutunguhan… may nsaktan man ako atlis nagpaka totoo ako sa sarili ko at sa taong mahal ko… un lang..
eh panu kung yung mahal mu eh nag-give up na? tipong sa sobrang sakit daw ng naramdaman nya dahil sa bago ko eh ayun may iba na xa?
masakit. kasi pinaramdam niya ulit sa akin na mahal nia ako. na kaming dalawa tgalga dapat. ang sabi ko babalik ako pero hindi pa ngayon. maghintay lang xa. kasi kailngan ko gumawa ng paraan kung saan hindi ko sobrang masasaktan yung isa. pero anu ginwa nia? ilang araw lang at hindi na nia ko nakayanan hintayin.
dapat pa ba akong maniwala sa kanya na talgang ginusto niang bumalik ako sakanya? na ako lang talaga ang mahal nia?
paano pa ko maniniwala kung may iba na xa at nagkakaintindihan na pati sila?
hindi nmn kasi ntin masisi ung taong nag mahal sayo na sinasabi mo rin na mahal mo… na minsan sa isang pagkakataon sa buhay niya ay naramdaman niya na mag isa siya at kailangan nang makakasama sa mga panahon na nangungulila rin siya sayo. tulad mo nag hanap din siya ng mga bagay na ikasasaya niya kahit sa sandaling panahon.
ngayon kung naguguluhan ka kung babalik ka pa sa kanya at kung mahal ka niya may sarili ka namang puso at isip kung sa tingin mo may mangyayari pa kung sakaling kayo ulit edi GO gawin mo kung san ka magiging masaya pero kung magkamali ka sa mga desisyon mo tandaan mo marami ang maaapektuhan at masasaktan. may ka relasyon ka nmn bkit di mo i try db?.. malay mo mag work kesa sumugal ka ikaw din ang talo… tandaan!: ang pag ibig kahit di mo pag aralan matututunan at natututunan mo yan… un lang….
:D ang galing! hmmmmm.. tama. sa ngayon ayaw nia na muna kami ulit kasi nga naman panu kung ganun padin? kung maging katulad padin ng dati. balewala rin. baka lalo pa kami magkasira. hay. tama. may karelasyon ako ngayon, eto na yung una kong pinili eh. ung iba. ung bago. dapat ko nlng siguro to pag ingatan, mahalin nadin. para hindi masayang mga desisyon na ginawa ko. wala akong dapat pagsisihan sa mga nangyare. ako pumili nun eh. dapat panindigan ko nlng. salamat dito uh:
ang pag ibig kahit di mo pag aralan matututunan at natututunan mo yan…
ok yan… kung ano man ang meron ka ngayo pag ingatan mo nlang at pahalagahan.. tama ka ikaw pumili nyan ibig sbhin ginusto mo rin yan.. sabi nga ng isang Philosopher There is no such word as “I have no choice” ibig sabhin di mo pinili ang karelasyon mo ngayon dahil no choice ka na pinili mo xa dahil minahal mo narin xa.. lahat ng nasa buhay mo ngayon ikaw rin ang may gusto niyan kaya pahalagahan mo… un lang
salamat sa pag entertain sa mga advice ko..
minsan ang pag-ibig parang putahe, may maganda at bago mang hain, wala ng gaganda at sasarap pa sa naunang hain.. di bale ng nang-iwan ka at nagmahal ng iba, basta’t sa huli siya pa rin ang una’t huli mong minahal.. ika nga, ang mauuna ay mahuhuli, ang mahuhuli ay mauuna.
Posted by glenn at January 19, 2011, 10:05 pmAll comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.



tnx mel.. ang ganda. sobrang tama. sobrang bagay. salamat!
” Nais kong bumalik sa kahapon subalit hindi ko maaaring iwan ang kasalukuyang panahon…”
masakit man sabihin pero sana maging masaya sya sa bago nia. mahal ko xa. pero tama na. :c
Posted by sheila at October 31, 2010, 11:25 am