Emosyon

Hindi naman ako naghahangad na maging masaya... Sapat na sa akin ang hindi ako maging malungkot sa aking pag-iisa...



Hanggang dito na lang

November 17, 2010

     Isa ko sa libu-libong taong nagpakatanga dahil sa pag-ibig. Isa ko sa mga umasa, lumuha at nasaktan. Hinayaan ko ang sarili kong mahalin ka nang walang hinihinging kapalit. Hinayaan kong masaktan ang sarili ko.

     Akala ko, mamahalin kita nang walang hanggan subalit napagod na ko. Labis na kong nasaktan dahil sa iyo… dahil sa pagmamahal na inalay ko.

      Ngayon, hindi na ko umaasang mamahalin mo o magkakaroon ng espasyo sa puso mo. Hindi ko na hinahangad na makasama ka at hindi ko na inaasam na mahagkan ka.

     Hanggang dito na lang ako… sa isang nakaraang pangarap na iibigin ka hanggang sa walang hanggan. Palalayain ko na ang sarili ko.

Posted by emosyon at 3:30 pm | permalink

Previous Comments

aizxt!! i lub itkk!!
lalo 2loy akung nalu2kot!
kapag naka2basa ng ganito! aixxt!! :(
naalala kuh! 2loy sxia1!

Posted by jonathan at January 19, 2011, 7:53 pm

All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.

Add a comment








emosyon

Ang mga tula at mga sanaysay na mababasa dito ay ginawa ni Melody Pabz. 

larawan

Wattpad

awit

komento