Home » Post Item » Mapait na Tanghali
Mapait na Tanghali
November 24, 2011Umupo siya sa mesa kung saan ako kakain ng tanghalian. Sa harapan ko siya mismo umupo. Sa mga panahong kumakain kami, ni isang salita ay walang namutawi sa bibig namin. Hindi na rin ako naglakas loob na kausapin siya dahil natakot akong magmukhang tanga. May mga sandaling sinusulyapan ko siya at hindi ko makalimutan ang mga mata niya - puno ng kalungkutan…
Alam kong hanggang ngayon ay nasasaktan pa rin siya dahil sa mga nangyari. Hindi ko rin naman ginusto ang mga naganap. Wala naman akong karapatang diktahan ang puso ng isang tao. Nanghihinayang ako sa mahigit isang taon. Kung may magagawa lang sana ako ay ginawa ko na.
Hindi na ko umaasa na magiging maayos ulit ang ugnayan naming dalawa. Nangangarap na lang ako na sana ay makakaiin siya ng isang matamis na sangkap na magpapawala ng kapaitan ng puso niya.
All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.


